53

Sep 9, 2021 @ 15:53

Rayver kumapit sa Kapuso Network

Mananatiling Kapuso si Rayver Cruz.

Inanunsyo ng aktor na nag-renew siya ng kontrata sa Kapuso Network noong Sept. 5.

Sobrang saya raw niya dahil sa tiwalang ibinigay sa kanya ng TV network.

“Talagang shinower nila ako ng napakaraming blessings, napakaraming projects,” aniya sa GMA report.

Unang pumirma ng kontrata sa Kapuso Network si Rayver noong 2018.

Kabilang sa mga naging show niya mula noon ang “Asawa Ko, Karibal Ko” at “Hanggang sa Dulo ng Buhay Ko”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?