269

Nov 16, 2021 @ 19:46
By

Rayver dinamayan ng kapatid, hipag

Nananatiling tikom ang bibig ni Rayver Cruz sa hiwalayan umano nila ng aktres na si Janine Gutierrez, na sinasabing dahil sa kawalan na nila ng oras sa isa’t isa.

Nakatanggap si Rayver ng message of support mula sa kanyang kapatid na si Rodjun, at asawa ng huli na si Dianne Medina.

“I love you @rayvercruz, always and forever,” sey ni Dianne sa Instagram post habang yakap si Rayver, na kuha noong kasal nila ni Rodjun taong 2019.


Nag-post naman si Rodjun ng compilation ng mga sayaw nila ni Rayver.

“Got your back always! Proud of you my brother @rayvercruz. Kaya madaming nagmamahal sayo at Sobra kang blessed dahil napakabuti mong Tao. Miss kita agad. Pag balik ko hataw na Ulit. All the way up tayo! I Love you King,” sambit ni Rodjun.


Apat na taon tumagal ang relasyon nina Janine at Rayver kung saan nagkasama pa sila sa Kapuso Network bago lumipat ang aktres sa ABS-CBN nitong taon.

Sa ngayon ay wala pa ring pahayag si Janine tungkol sa status ng kanilang relasyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?