527

Oct 16, 2017 @ 15:56

Rayver Cruz, mina-‘mommy’ na ang nanay ni Janine

Kinilig si Janine Gutierrez sa usapin tungkol sa rumored boyfriend niyang si Rayver Cruz at ng kanyang parents na sina Lotlot de Leon at Ramon Christopher. Ibinahagi ni Janine ang pagkakaroon ng harmonious relationship ng kanyang Mama at Papa kay Rayver.

Hindi na raw kailangan pang mag-effort ni Rayver na mapalapit sa kanyang ina dahil bago pa sila naging close, magiliw na raw ang Mommy Lotlot niya sa aktor.

Noong una raw ay naiinis si Janine sa Mommy niya dahil wala pa raw nangyayari sa kanila ni Rayver o hindi pa sila ganun ka-close, kinikilig na raw ito sa naiisip na magkaroon sila ng romantic relationship.

Naunawaan naman daw ni Janine kung bakit boto ang Mommy niya kay Rayver dahil bago pa sila nagkakilala ni Rayver, magkaibigan na raw ang ina niya at ang Kapamilya actor.

Nagkasama ang dalawa sa isang pelikula at mula noon itinuring na raw na parang anak si Rayver ng Mommy niya. Madalas din nagpupunta si Rayver sa resto ng Mommy niya sa Paranaque dahil nasa area rin ang tinitirhan ng aktor.

Maging sa Papa ni Janine na si Monching, hindi naging mahirap kay Rayver ang makisama. Iisa ang paboritong sports ng dalawa, ang basketball. Kaya doon pa lang swak na sila.

Well, bagamat wala pa raw silang relasyon, mukhang hindi na kailangang maging official ang dalawa dahil sa mga sagot na lang ng aktres mararamdaman mong sa pagiging mag-dyowa rin hahantong ang kanilang samahan.

Anyways, bida nga pala si Janine, kasama sina Cristine Reyes, Daniel Matsunaga, sa Spirit of the Glass 2, The Haunted, na dinirek ni Joey Reyes.

Maxine Medina at Marx Topacio, live in na?

Isinisisi ni Maxine Medina sa sarili ang pagsabog ng engagement proposal ng pinsan niyang si Dianne Medina sa longtime partner nitong si Rodjun Cruz. Kaya raw kumalat sa socmed ang balita sa engagement dahil si Maxine ang unang-unang nag-post nito.

Sabi ni Maxine, natutuwa siya dahil finally ay nagkaroon na ng katuparan ang dasal nilang mauwi sa engagement ang relasyon ng dalawa. Lagi nga raw niyang tinatanong si Rodjun kung kailan ito magpu-propose kay Dianne, dahil bukod sa naiinip na sila, tanggap ng buong clan nila si Rodjun.

Kung 10-years inabot ang relasyon nina Dianne at Rodjun, 6-years naman ang relationship ng beauty queen sa model-boyfriend nito. Feeling ni Maxine, aabot din ng 10-years bago sila magpakasal ni Marx.

Siniguro ni Maxine na hinding-hindi siya makikipag-live in sa boyfriend niya. Bilang respeto sa kanyang lola at mga magulang hindi raw niya papasukin ang ganung sitwasyon, kahit na sabihin pang sa kasal din naman ang uwi nila.

Isa nga rin pala si Maxine sa mga bida ng Spirit of the Glass 2, The Haunted.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?