60

Jan 16, 2021 @ 10:48
By

Rayver Cruz may mensahe sa nobya niyang si Janine Gutierrez

May mensahe ang dating Kapamilya turned Kapuso na si Rayver Cruz kay Janine Gutierrez na katatawid lamang sa ABS-CBN.

“Soar high my love, will always be your number one fan, ani Cruz sa kanyang tweet.

Kahapon lamang nang ibahagi ng Dreamscape na isa nang ganap na Kapamilya si Gutierrez.

“Janine Gutierrez is now a certified Kapamilya!

“Contract signing of Janine Gutierrez with Dreamscape Head Deo Endrinal, ABS-CBN Bosses Carlo Katigbak, Mark Lopez, Cory Vidanes, Ric Tan, and her manager Leo Dominguez,” saad sa caption ng kanilang mga litrato ngpagpirma ni Gutierrez sa kontrata kasama ang mga bigg boss ng naturang istasyon.

Magulang ng aktres sina Ramon Gutierrez at Lotlot de Leon.

Taong 2017 nang aminin ni Cruz sa publiko na nililigawan niya ang aktres.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?