1,037

Dec 8, 2017 @ 10:08
By

Rayver Cruz, matiyaga sa sweet “Yes” ni Janine

Ang sweet “Yes” na lang raw ang hinihintay ni Rayver Cruz mula kay Janine Gutierrez para umakyat sa mas mataas na level ang kanilang pagiging malapit sa isa’t-isa.

Sinabi ni Rayver na hanggang ngayon ay nililigawan pa rin niya si Janine at hindi raw siya magsasawang suyuin ito hanggang ready na itong maging girlfriend niya.

Happy at thankful si Rayver sa mga inspiring remarks tungkol sa kanya ni Janine at nang buong pamilya nito lalo na ang ina nitong si Lotlot De Leon.

Nagba-blush si Rayver sa interview namin sa kanya bago nagsimula ang presscon ng “Larawan” noong huwebes ng hapon pagkatapos ng sneak preview ng pelikula na ginawa sa Cinema 8 ng Promenade Cinema Greenhills, San Juan.

Sinabi kasi ni Janine sa mga interviews na “happy” siya sa piling ni Rayver at sa closeness nilang dalawa.

Sey naman nang Kapamilya hunk-actor, mas masaya siya dahil yun naman ang intensyon niya ang maging masaya si Janine sa company niya.

Malaki rin ang pasasalamat ni Rayver sa parents ni Janine partikular si Lotlot sa pagtanggap sa kanya at sa mga magagandang deskripsyon ng mga ito sa kanyang pagkatao.

Ayon pa kay Rayver first time raw niya sa ganitong sitwasyon na wala siyang masyadong mahirap na pinagdadaanan sa nililigawan niya.

Nang mabanggit si Sarah Geronimo na na-link rin noon kay Rayver at nabalitang hindi naging maganda ang pakikitungo sa kanya nang mga parents nito, mabilis na nilinaw nang aktor na wala siyang pinatutungkulan na kahit sino sa kanyang sinabi.

Sinasabi lang raw niya kung ano ang nararamdaman niyang kasiyahan sa mga taong nakapaligid kay Janine.

Ayaw madaliin ni Rayver si Janine na sagutin siya nito. Alam kasi nang aktor na marami pang kinu-consider ang nililigawan bago ito pumasok sa isang romantic relationship.

Basta raw lagi lang itong nakasuporta kay Janine at patuloy niya itong susuyuin ayon pa rink ay Rayver. (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?