179
rayver1

Rayver Cruz lalayasan na ang ABS-CBN

Sharing is caring!

Kumakalat na ang balitang lilipat na a bakuran ng GMA 7 si Kapamilya actor Rayver Cruz.

Sa isang Instragram post, sinabing umalis na siya sa Star Magic subalit wala pang kumpirmasyon kung sasama na si Rayver sa kanyang kapatid na Rodjun sa GMA.

“Dasal ko ang patuloy mong tagumpay.. mahal kita bro!!! Star magic will definitely miss you!!!,” sabi ng isang @starmagic_peachy.

Nag-umpisa si Rayver sa GMA at kalauna’y lumipat sa ABS-CBN.

Si Rayven ay mula sa angkan ng mga Cruz at pinsan nina Sunshine Cruz, Donna Cruz, Sheryl Cruz at Geneva Cruz.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?