380
Rayray naiyak sa tribute kay Bobby Parks Sr.
Jun 16, 2019 @ 16:29
By

Rayray naiyak sa tribute kay Bobby Parks Sr.

Hindi napigilan ni Ray Parks Jr na maging emosyonal matapos mapanood ang naging tribute ng Asean Basketball League (ABL) sa kanyang yumaong ama na si Bobby Ray Parks.

Binalikan ng ABL ang stint ng kanyang ama sa liga, nag-coach sa San Miguel Beermen noong 2012 at muntik pang makabutas ng kampeonato kontra Indonesia Warriors.

Sumunod naman si Rayray sa yapak ng ama bilang manlalaro, naglaro sa ABL at gumawa pa ng kasaysayan bilang kauna-unang three-time local MVP.

“Woke up to this made me tear up..Happy father’s day to all great fathers out there,” ayon kay Parks Jr.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?