239

Jun 25, 2022 @ 15:02
By

Raymond Gutierrez finlex ang jowa

Kasabay sa pagdiriwang ng Pride Month sa buong mundo ay ibinida ni Raymond Gutierrez ang kanyang jowa na si Robert William.

Sa kanyang IG post, ibinahagi ni Raymond ang ilang sweet moments nila ni Robert.

Ang highlight ng post ay ang ikalawang larawan kung saan malagkit na nagtukaan ang dalawa.

“Celebrate your love! Happy Pride, Philippines,” saad niya sa caption.

Pinusuan naman ng mga kapamilya ni Raymond, gayundin ng iba pang mga celebrity, ang kanyang post.

Agosto 1, 2021 nang opisyal na ipahayag ni Raymond na siya ay parte ng LGBTQ community. (MJD)

Erik Santos bigong maging dyowa si Angeline Quinto

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?