169

Oct 8, 2021 @ 19:28
By

Raymond Bagatsing, Yul Servo banggaan sa Maynila

Sumabak na rin sa politika ang aktor na si Ramon “Raymond” Bagatsing III.

Pormal na siyang naghain ng kanyang certificate of candidacy bilang vice mayor ng Maynila.

Makakabangga niya sa posisyon ang kapwa aktor na si Manila 3rd District Rep. Yul Servo, na ka-tandem ni Manila Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan.

Nagmula sa political clan si Raymond. Lolo niya ang dating alkalde ng lungsod na si Ramon Bagatsing Sr.

Ayon kay Raymond, oras nang maibalik ang ningning ng Maynila. Tatakbo siya sa ilalim ng Kilusang Bagong Lipunan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?