768

Apr 6, 2019 @ 21:11
By

Raymart balik-aksiyon sa ‘Ang Probinsyano’

Tiyak na lalo pang magiging maaksiyon ang Kapamilya top-rated series na “FPJ’s Ang Probinsyano” sa pag-entra sa cast ni veteran actor Raymart Santiago.

Ito’y sa kabila ng paglisan ng ilang mga sikat na personalidad sa teleseryeng pinagbibidahan ni Coco Martin dahil sa politika.

Sa social media inanunsiyo ni Raymart ang pagkakasama niya sa action-drama series na apat na taon nang umeere sa telebisyon.

Nakasuot si Raymart ng police uniform habang nasa likod niya ang malaking logo ng Philippine President.

Gaganap siya bilang si Police Major Victor Basco.

View this post on Instagram

Police Major Victor Basco reporting for duty #FPJAP3Panimula

A post shared by raymartsantiago (@raymartsantiago) on

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?