28

Nov 30, 2020 @ 17:11
By

Ray Parks napuruhan binti, delikado sa Game 2

Ang pag-ika-ika ni Ray Parks Jr. sa Game 1 ng PBA Finals ay hindi magandang pangitain para sa TNT Tropang Giga.

Ito’y matapos ianunsyo ng koponan na nagkaroon ng calf strain ang kanilang star player, na posibleng magdulot ng pag-upo nito sa susunod na laro.

Ang naturang injury ni Parks ay dati na nitong natamo ngunit muling nagparamdam ngayong Finals.

Nakatakdang magpa-checkup ulit si Parks para malaman kung gaano kalala ang kanyang injury.

Sa laban kontra Ginebra, tumapos si Parks tangan ang 20 points, ngunit sa dulo ay mapapansin na ang iniinda nitong sakit ngunit nagpatuloy pa rin sa paglalaro hanggang sa overtime.

Nanalo ang Ginebra, 100-94, sa likod ng mga plays ni LA Tenorio na kumamada ng 12 points at 10 assists.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?