128

By

Ray Parks hindi pupunta sa PBA Draft

Hindi dadalo ang isa sa mga top prospect sa 2018 PBA Draft na si Bobby Ray Parks Jr.

Mas pinili ni Parks na samahan ang kanyang koponan na Alab Pilipinas kaysa dumalo sa once-in-a-lifetime event na draft night.

Kasabay ng draft ang laro ng Alab Pilipinas sa Asean Basketball League kalaban ang CLS Indonesia Knights, na una na rin nitong nakaharap ngayong season kung saan giniba nila ito, 94-67.

Inanunsyo ni PBA commissioner Willie Marcial ang nasabing desisyon ni Parks sa pagtatapos ng Draft Combine nitong Huwebes ng gabi.

Gayunpaman, inaasahan na makuha siya ng ‘di bababa sa Top 3 picks dahil sa kanyang karanasan at angking talento sa basketball.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?