96

Feb 16, 2019 @ 15:06
By

Ray Allen may asim pa

Tatlong four pointer ang ipinukol ng NBA Hall of Famer na si Ray Allen.

Sa All-Star Weekend Celebrity Game nitong Sabado, oras sa Pilipinas, pinatunayan ng two-time NBA champion na sa edad na 43-anyos, kayang-kaya pa nitong makipagsabayan sa competitive scene.

Sa pakulo ng snack company na Ruffles, $4,000 ang kanilang ido-donate sa pakikipagtulungan sa Special Olympics sa kada four-pointer na maipapasok sa nasabing All-Star event.

At kung may aasahan na mapalaki ang charity prize, ito ay walang iba kundi ang NBA three-point leader na si Allen.

Tumapos si Allen ng may 24 points at siyam na rebounds, at kahit natalo ang kanyang koponan na Away Team kontra Home Team, 82-80, tila panalo pa rin ang kakaretiro lang na NBA player dahil sa mga papering natanggap mula sa mga netizen at maging sa dating kakampi.

Isa sa mga naispatan ng camera ay ang dating Miami Heat teammate na si Dywane Wade, na kitang nakangiti matapos ibuslo ni Allen ang isang four pointer.

Nang makapanayam si Allen ng ESPN insider na si Jordan Schultz, sinabi nitong ang sikreto sa malupit pa ring pulso ay ang muscle memory, na kahit nagkaedad na ay hindi pa rin maikakaila na isa pa rin sa mga deadly shooter kahit wala na sa liga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?