50

By

Ravena todo pakondisyon sa pagbabalik

Nalalapit na ang pagbabalik ni Kiefer Ravena sa basketball matapos ang mahabang panahon na nagarahe dahil sa suspension.

Agosto 24 matatapos ang suspension period ni Ravena kaya naman todo pakondisyon na ito sa kanyang pagbabalik.

Nitong nakaraang Hunyo 24, napabalita na kasama si Ravena sa practices ng Gilas Pilipinas at sa NLEX Road Warriors.

“Game shape-wise, it’s really hard because I can’t play,” saad ni Ravena sa balitang unang lumabas sa ABS-CBN. “So it’s really hard to see or feel like how many percent pa ako, to a hundred percent, until I get to really play eh.”

Extra effort rin si Ravena sa ensayo kasama ang NLEX.

“I’ve been practicing with NLEX and dito then I’ve been working out by myself,” aniya.

“I’m doing my part, I’m doing extra work, I’m here early, just to make sure when I get back, hindi na masyadong malaki ang adjustment kung aabot man ako. I’m really putting myself in the best shape that I can, so by the time I play, wala na masyadong adjustments.”

Inaasahan rin na mapapabilang si Ravena sa national team na magkakaroon ng training camp sa Spain sa susunod na buwan.

“I’m still part of this team, I’m still part of this pool, and I’ll do everything. If they need extra bodies on practices, I’m more than ready to do so,” sabi pa ni Ravena.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?