17

Aug 25, 2021 @ 13:17
By

Ravena sasaglit sa Japan

Bumiyahe pa-Japan ngayong Miyerkoles si NLEX guard Kiefer Ravena para asikasuhin ang kanyang mga papeles sa team na Shiga Lakestars.

Ayon sa ulat, kinailangang bumyahe ni Ravena dahil nagbigay ng palugit ang pamahalaan ng Japan para sa requirements ng mga import.

Ngunit ayon kay NLEX team official Ronald Dulatre, sa oras na maayos ng 27-anyos na manlalaro ang kanyang mga papeles ay babalik na ito sa Pilipinas.

Kaya naman, sa pagbabalik-aksyon ng PBA ay hindi makakasama ng Road Warriors ang guwardiya.

Matatandaang pinayagan ng liga na tapusin ni Ravena ang kasalukuyang conference bago tumulak sa Japanese B. League.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?