By

Ravena, sa TV na lang susuportahan ang Pinoy dribblers sa FIBA 3X3

Sharing is caring!

No choice ang NLEX rookie Kiefer Ravena na nakuntento na lang sa panonood sa telebisyon para suportahan ang Perlas Pilipinas at Gilas sa FIBA 3×3.

Sa kanyang Instagram story, makikitang nakasubaybay ang 24-anyos na si Ravena sa laro ng Perlas Pilipinas at nagsisisi dahil hindi ito maaaring manood ng live base sa kanyang 18-month basketball suspension.

“#LabanPilipinas Only way to show support for flag and country coz I can’t even watch” ayon sa caption ni Ravena.

Dahil sa suspensyon, ginugugol muna ni Ravena ang kanyang oras sa gym at paglalaro ng golf. (Ray Mark Patriarca)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?