77

Oct 24, 2017 @ 12:16

Ravena pasiklab sa Draft Combine

Pakitang-gilas agad si Kiefer Ravena sa Day 1 ng 2017 PBA Rookie Draft Combine sa Gatorade Hoops Center sa Shaw Blvd., Mandaluyong kahapon.

Sa Draft Combine, sumailalim sa iba’t ibang drills ang hopefuls, may scrimmages at mini tournament pa.

Nanguna sa agility drill ang dating pambato ng Ateneo na si Ravena, 23, binuno ito sa loob lang ng 10.72 seconds.

Sa kanya rin ang highest vertical leap na nasukat sa 39.5 inches, bago humarurot sa three-quarters court sprint sa 2.78 seconds.

Sumunod kay Ravena sa agility drill sina Zach Nicholls ng Arellano (11.56), Jett Manuel ng UP (11.62) at Gian Abrigo ng Adamson (11.66).

Second-highest sa vertical leap si Julian Sargent (39), sunod sina Manuel (38.5) at at Lervin Flores ng Arellano (38).

May fastest time na 51.3 seconds si Nicholls sa shuttle run, bumato ng 9.4 meters si Sargent para manguna sa medicine ball throw.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?