16

Sep 30, 2020 @ 8:46
By

Ravena may pangontra sa bubble

Mahigit dalawang buwan ding makukulong sa Clark Freeport, Pampanga si NLEX Road Warrior Kiefer Isaac Ravena dahil sa Philippine Basketball Association (PBA) 2020 Philippine Cup bubble, kaya para ‘di mabagot nagbaon siya ng pambalanse at pangontra sa posibleng pagkainip.

Kabilang sa inimpake ng former University Athletic Association of the Philippines (UAAP) standout buhat sa Ateneo Blue Eagles ang gaming console na PlayStation 4 at basketball game NBA2K21.

“Bubble ready! I got my #NBA2k21 with me! Can’t wait to battle online or with my teammates!,” caption ng 26-anyos basketbolista sa kanyang IG post nitong Martes. “2 months? No problem! This is going to be fun for sure.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?