30

Oct 8, 2021 @ 23:18
By

Ravena kakasa kay Paras

Pasiklaban sa isa’t isa sina imports Ferdinand ‘Thirdy’ Ravena III at Kobe Lorenzo Paras sa pagtatagpo ng kanilang koponan 6th B.League 2021-22 prelims Shizuoka, sa Hamamatsu Arena sa Shizuoka, Japan ngayong Sabado.

Maghaharap sina Ravena ng San-En NeoPhoenix at Paras ng Niigata Albirex BB sa alas-5:05 nang hapon.

Atat na ang nakababatang Ravena sa pakikipagsalpukan sa kapwa Pinoy reinforcement sa liga
“Looking forward to it, we have another game against Niigata this weekend and Kobe, who has played tremendously, is also playing. He’s been my best friend since we’re kids, so definitely excited for that and the rest of the Filipinos playing in B. League,” bulalas Huwebes ni Ravena.

Nagposte ng parehas na tig-isang panalo at talo ang dalawang player at kanilang kampo sa nakalipas na linggo.
Matapos tumiklop si Thirdy at NeoPhoenix sa kanyang kuya Kiefer Isaac Ravena at Shiga Lakestars, 83-93, nitong Sabado, bumawi siya at mga kasama 101-96, sa araw ng LInggo.

Yumuko si Paras at Niigata kontra Kyoto Hannaryz, 81-85, pero bumangon rin sa rematch, 76-75.

Aaksiyon din si Bobby Ray Parks Jr. at Nagoya Diamond Dolphins sa alas-2:05 nang hapon laban sa Hiroshima Dragonflies; si Dwight Ramos ng Toyama Grouses kontra Alvark Tokyo; at Shiga laban sa Ibaraki Robots ni Javier Joaquin Gomez de Liano sa alas-4:05 ng hapon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?