129
Ravena humugot sa mga senior
By

Ravena humugot sa mga senior

Sa pagresbak ng Ateneo Lady Eagles kontra UST Golden Tigresses sa Game 2 ng best-of-three finals ng UAAP Season 81 women’s volleyball tournament nitong Miyerkoles, ginawang motibasyon ni libero Dani Ravena ang kanyang mga senior.

“In my head, my mindset was, ‘How can we say no to the request of the seniors, gusto pa nilang mag-training sa Thursday?’ How can you say no to that?” pahayag ni Ravena na may 12 receptions at 22 excellent digs sa laban na iyon.

“Yung hard work nila, all these years of training and playing, that’s my motivation talaga. I really want them to have a goodbye na wala kaming regrets lahat.”

Malaking bagay para sa depensa ng Ateneo ang pagkayod ni Ravena lalo na sa mga pasabog na palo ni MVP Sisi Rondina.

Ipinunto rin nito na first time sa isang finals na malaking bagay para sa kanya ang pag-alalay ng kanyang mga senior at ng kanyang team.

“They’ve been here for so many years, and they know how it feels like to win. That’s a blessing for me, that they share their emotions and passion, and ipapasa nila sa akin because they know it’s my first time in the finals,” kwento pa ni Ravena.

“That helped me a lot, knowing that there’s a thousand people behind you, and you’re playing not only for yourself but for your team.”

Muling magtatapat para sa huling pagkatataon ang Ateneo at UST sa Sabado, Mayo 18, sa Mall of Asia Arena.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?