127

Dec 15, 2017 @ 19:00

Ravena, babandera sa rookies sa 43rd PBA opening sa Big Dome

Babanderahan ni ex-Ateneo hotshot at Gilas mainstay Kiefer Ravena ang 21 na rookies na sasali sa parada ng mga team sa pagbubukas ng PBA 43rd season sa Smart Araneta Coliseum sa Linggo, Disyembre 17.

Si Ravena, ang No. 2 pick kasunod ni Christian Standhardinger sa PBA Rookie Draft, ay isa sa mga bagong players na makakadagdag ng intensidad sa PBA.

Nakatakda siyang makita sa mga laro ng NLEX Road Warriors.

Ang iba pang rookies na aabangan sa mga laban ay sina Raymar Jose ng Blackwater, Jason Perkins ng Phoenix Petroleum at Jeron Teng ng Alaska Milk habang ang kontrobersiyal na si Standhardinger ay tatapusin pa ang kontrata sa Asean Basketball League bago makasama sa San Miguel Beer.

Marami namang bagong mukha sa line up ng GlobalPort gaya nina Julian Sargent, Michael Vincent Juico, Lervyn Flores at Joseph Angelo Gabayni.

Mga bagong salta naman sina Jose, Emil Renz Palma at Kyle Drexler Neypes sa Black Water Elite; Jonjon Gabriel, Jan Jamon at Roldan Sara para sa KIA Picanto, at Mark Tallo, Monbert Arong at Sydney Onwubere sa TNT Katropa.

Kaabang-abang din ang gilas na ipapakita nina rookies Jett Manuel sa Barangay Ginebra, Jam Cortez sa Phoenix, Robert Herndon sa Magnolia, Rey Nambatac sa Rain or Shine at Louie Vigil para naman sa Beermen.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?