197

Jun 20, 2019 @ 19:48
By ,

Ravena, Ateneo kumatok sa titulo

Balik ang angas ng Cignal-Ateneo nang muling paluhurin ang Centro Escolar University (CEU) 67-52 sa Game 3 ng best-of-five finals ng 2019 PBA D-League Huwebes sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Lamang na sa serye ang Blue Eagles 2-1 at may tsansa nang masungkit ang kampeonato sa Game 4 sa Martes.

Umariba para sa Cignal-Ateneo si Thirdy Ravena na rumehistro ng 12 points at walong rebounds habang umayuda naman ang Ivorian center na si Ange Kouame na may 10 markers at pitong boards.

Sumahog din ng tig-siyam na puntos ang dalawang skippers ng tropa na sina Adrian Wong at Mike Nieto.

“We went a little bit away from our defensive system last game and we wanted to get that in today’s game,” sabi ni assistant coach Sandy Arespacochaga.

Nakadikit naman ang mga bata ni coach Derrick Pumaren sa first half ng laro bago umalagwa ang tropa ni coach Tab Baldwin sa third frame hanggang sa iposte nito ang 49-37 na bentahe.

Umaariba ang Blue Eagles sa pagsasabwatan nina Ravena at Kouame sa payoff period hanggang sa iposte nito ang 55-37 na kalamangan bago iwan sa ere ang Scorpions.

Bumandera para sa Scorpions si Malick Diouf na may 19 points at 20 boards.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?