104

Ravena, Ateneo Blue Eagles dinagit ang UP Fighting Maroons

Sharing is caring!

Nanguna ang finals MVP noong nakaraang season na si Thirdy Ravena upang makuha ng Ateneo de Manila University Blue Eagles ang kanilang unang panalo sa UAAP Season 81 men’s basketball tournament kontra University of the Philippines Fighting Maroons, 87-79, sa Araneta Coliseum nitong Miyerkoles, Setyembre 12.

Pagkatapos matanggal sa laro ni UP head coach Bo Perasol, ibinaba ng Fighting Maroons ang lamang ng Ateneo sa lima, 70-75, ngunit agad itong itinigil ng Blue Eagles para makuha ang laban, 87-79.

“I’m happy with the fight we had inside of us,” ani Ateneo head coach Tab Baldwin. “That was more evident than the game against Adamson.”

Natalo ang Ateneo sa kanilang unang laban kontra sa Soaring Falcons, 70-74.

Iginiya ni Ravena ang Blue Eagles na mayroong 17 samantalang nagdagdag naman si Anton Asistio ng 16 marka.

Namuno para sa UP si Juan Gomez de Liaño na kumamada ng 29 puntos.

Sunod na makalalaban ng Ateneo ang Far Eastern University Tamaraws sa Sabado, Setyembre 15, sa Araneta Coliseum din. (Aaron Brennt Eusebio)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?