89

Oct 5, 2019 @ 19:42
By

Ravena, Ateneo akyat sa 8-0

Standings W L

Ateneo 8 0

UP 5 2

UST 4 4

DLSU 3 4

FEU 3 4

UE 3 5

Adamson 3 5

NU 1 6

Mga laro ngayon: (MOA Arena)

2:00pm — NU vs DLSU

4:00pm — FEU vs UP

Kinatay ni Thirdy Ravena ang UST Growling Tigers matapos pangunahan ang Ateneo Blue Eagles, 66-52, sa second game Sabado ng gabi sa 82nd Season ng UAAP men’s basketball sa Mall of Asia Arena.

Bukas ang opensa ni Thirdy Ravena nang gumawa ng halos double-double record na 17 points at 9 rebounds upang panatilihin ang pamamayagpag ng koponan na hanggang ngayon ay wala pa ring talo.

Katuwang ni Thirdy sa atake ng defending champs Ateneo si SJ Belangel na nagtrabaho ng 11 markers at 4 boards para ibigay ang 8-0 panalo-talo kartada sa Blue Eagles.

“It was a good game, we won but I mean 8 turnovers, It’s unacceptable,” saloobin ni Thirdy. “We have to work on that. I’m not really in the outcome but ayun we won so ayun lang very tough game ang UST.”

Sinubukan pang isalba ni Mark Nonoy ang UST nang pumukol ng tres sa huling 3:55 segundo ng laro para ilapit ang iskor sa 54-48.

Nabalewala ang 18 points ni Nonoy at nalaglag sa 4-4 kartada ang UST.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?