183

Apr 15, 2020 @ 20:02
By

Ravanes pakondisyon kahit wala pang PBA

Wala munang laro sa Philippine Basketball Association (PBA) at maging ang mga ensayo ng bawat teams tigil muna kaya kanya-kanyang hanap ng libangan ang mga manlalaro at coach.

Isa si San Miguel Beermen assistant coach Melchor ‘Biboy’ Ravanes na hindi nagpapigil sa kanyang usual routine kahit na may ECQ sanhi ng COVID-19.

Kahit walang practices, todo pa rin si Ravnes sa pagpapalakas ng katawan, kasama ang kanyang anak na si Carl at misis na si Chay.

Nariyan ang pag-eehersisyo ni Coach Biboly at maging sa pagkain maingat din ang 3-time Defensive Team Member para mapanatili ang magandang pangagatawan sa gitna ng lockdown.

Bukod nga sa pag-eehersisyo, panunuod din sa Netflix ang pinagkakabalahan ng pamilya Ravanes.

Ani Carl, “Yung bonding po namin talaga besides the working out is just finding new shows to watch on Netflix. We often FaceTime with my sisters in the States since nana lockdown din po sila dun. Haha.

If we’d want something different naman po we’d listen to music while having coffee in the afternoon. May routine din po kasi kami ng 4pm we have merienda/early dinner, and so far na maintain naman namin yun. Parang kasi po we realized din na we’re trying po to enjoy the little things na we kind of forgot or took for granted before COVID. ?” wakas niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?