17

Sep 15, 2021 @ 18:54
By

Ratsada ng Northport pinatid ng TNT

Sinungkit ng TNT Tropang Giga ang twice-to-beat advantage sa quarterfinals matapos daigin ang rumaragasang Northport Batang Pier, 102-92 ngayong Miyerkoles.

Muling nagpasiklab ng galawang beterano ang rookie na si Mikey Williams na kumamamada ng 29 points habang surpresa naman ang 22 points ni Kib Montalbo para tulungan ang TNT.

Umangat ang kartada ng Tropang Giga sa 9-1, may isang laro na lamang sa kanilang elimination round schedule.

Samantala, natapos naman ang three-game winning streak ng Northport at bumagsak ang standing sa 4-4.

Nakabalik naman na sa bench si coach Pido Jarencio matapos magpositibo sa COVID, ngunit ‘di nakalaro sina Greg Slaughter at Sean Anthony.

Si Paolo Taha ang nanguna para sa Batang Pier sa kanyang 20 points habang 15 points lamang ang naiambag ni Robert Bolick.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?