15

Sep 9, 2021 @ 18:23
By

Ratsada ng Dyip pinatid ng Phoenix

Tapos na ang sandaling ligaya ng Terrafirma Dyip sa 2021 PBA Philippine Cup matapos silang lumigwak laban sa Phoenix Super LPG ngayong Huwebes, 96-84.

Matapos magliyab sa huli nilang tatlong laro kung saan lahat ay panalo, walong puntos lamang ang naibuhos ni Juami Tiongson tampok ang 2-of-9 field goal shooting.

Sa kabilang dako, bumida naman sa Phoenix si Jason Perkins sa kanyang 28 points, habang 18 points ang inambag ni Vic Manuel para tulungan ang Fuel Masters na lumayo sa fourth quarter tungo sa ikatlo nilang panalo sa walong laro.

Tabla ngayon ang kartada ng dalawang koponan sa 3-5.

Sa kabila ng maalat na laro ni Tiongson, limang manlalaro ng Dyip ang umiskor sa double digits ngunit ‘di ito sumapat.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?