393

Nov 8, 2021 @ 8:53
By

‘Rastaman’ may maayos na plataporma

Bagamat idineklara bilang nuisance candidate noong 2019 senatorial elections, may maayos na plano para sa bansa si Rolando ‘Rastaman’ Plaza, na siyang naghahari ngayon sa mga social media meme.

Bumida si Rastaman sa huling episode ng ‘Kapuso Mo, Jessica Soho’ kung saan mas nakilala pa siya ng madla.

Sa kabila ng pagtingin sa kanya ng marami bilang komedyante dahil sa kanyang mga linya bilang ‘half human, half zombie,’ o ‘watcha gonna do,’ binigyang-linaw ni Rastaman na seryoso siya sa kanyang mga adbokasiya.

“Nuisance. Eh malinaw naman ‘yung adbokasiya ko eh,” aniya. “My [advocacy] is against China. You are entering our territory. You must get out of our territory.”

Nang tanungin tungkol sa mga mahahalagang isyu sa bansa, sinabi ni Rastaman na pabor siya sa reproductive health, diborsyo at same sex marriage, habang kontra naman siya sa parusang bitay, martial law at federalism.

Bukod dito, kilala si Rastaman sa kanilang lugar sa Bulacan bilang isang mabuting kapitbahay na ang pinagkakakitaan ay pagkukumpuni ng mga sirang appliances.

May dalawang anak na lalaki si Rastaman kung saan ang isa ay nasa Dubai pa, ngunit hiwalay na siya sa kanyang asawa. (mjd)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?