98
kyle-lowry3
By

Raptors preparado kontra James, Cavs

Sharing is caring!

Nakapahinga na ang Toronto, all-set nang sumagupa kay LeBron James at sa Cleveland Cavaliers sa semifinals ng Eastern Conference.

Hawak pa ng Raptors ang homecourt advantage.

Kompiyansa pa rin sina DeMar DeRozan, Kyle Lowry at mga kakampi kahit dalawang sunod na silang sinisipa ni LeBron at ng Cavs sa postseason – sa 2016 conference finals, at sa second round (sweep) noong isang taon.

“Gotta go through the best to get to that trophy,” giit ni DeRozan.

Uumpisahan ng Raptors ang second-round playoff series sa sariling teritoryo kontra kay James ngayon (Manila time).

Top-seeded team sa East ang Toronto ngayon, nagtuhog ng record na 59 wins sa season. Biyernes isinara ng Raptors ang first-round series nila ng Washington, samantalang si James at ang Cavs ay sinagad sa pitong laro ng Indiana noong Linggo.

“They’re coming off a series where they were banging and bumping for seven games,” puna naman ni Lowry. “I think the days off will have helped us a little bit.”

Hilahod si James, tatlong beses sa first round na kinailangang umiskor ng 40+, naglaro ng 43 minutes sa Game 7 at inabot ng cramps sa second half.
Pero iba pa rin ang basa ni Raptors coach Dwane Casey kay LeBron: “I don’t believe he’s tired. He’s on a mission.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?