17
serge-ibaka-john-wall
By

Raptors pinadapa sa Game 1 ang Wizards 113-106

Sharing is caring!

Sa unang pagkakataon sa loob ng 17 taon, nakatikim rin ng panalo sa umpisa ng playoffs ang Toronto Raptors.

Nagtala si Serge Ibaka ng 23 puntos at 12 rebounds, may 11 sa 18 puntos si Deln Wright sa fourth quarter at tinapos ng Raptors ang kanilang 10-game losing streak sa playoff openers matapos pataubin ang Washington Wizards 114-106.

May 17 puntos si DeMar DeRozan, may tig-12 puntos sina C.J. Miles at may 11 puntos at siyam na assists si Kyle Lowry para sa Raptors.

Huling nanalo sa playoff series opener ang Raptors laban sa Philadephia noong May 6, 2001.

Nanguna sa Wizards si John Wall sa kanyang 23 puntos at 15 assists habang may 22 puntos at 11 rebounds naman si Markieff Morris. May 19 puntios naman si Bradley Beal para sa Washington.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?