124
Raptors ‘abangers’ kay Kawhi
Jun 28, 2019 @ 13:17
By ,

Raptors ‘abangers’ kay Kawhi

Hahayaan ni free agent Kawhi Leonard ang Toronto Raptors na ipakita ang huling presentation nito kasabay ng pakikipag-meeting sa ilang tropa sa Los Angeles sa susunod na linggo.

Inaasahan na tatanggihan ni Leonard ang kanyang player option at magiging unrestricted free agent.

Sa katatapos lang na NBA Finals, siya ang tinanghal na Finals MVP matapos tulungan ang Raptors na sungkitin ang unang franchise championship sa kanyang first season sa koponan.

Nakuha siya ng Raptors sa isang blockbuster trade kasama ang San Antonio noong nakaraang taon.

Noong Lunes sinabi ni Raptors president Masai Ujiri na nakausap na nito ang tiyuhin at adviser ni Leonard na si Dennis Robertson at kumpiyansa ito na babalik ng Toronto sa 2019-2020 season.

“We’ll wait. He’s our player and he’s a superstar on our team and we’ll wait on that,” ani Ujiri.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?