538

Oct 13, 2021 @ 15:26
By

Rappler supalpal sa ‘retokadong’ survey results

Pinutakte ng batikos ang Rappler dahil sa dinoktor umano nitong 2021 presidential survey results.

Sa isa kasing post ng news site nitong Huwebes, makikita ang pagkasa nila ng online survey tungkol sa mga bet na maging presidente ng mga netizen sa pamamagitan nang pagbibigay reacts: ‘Heart’ para kay Vice President Leni Robredo, ‘Wow’ para kay Bongbong Marcos, ‘Care’ para kay Senador Manny Pacquiao, ‘Laugh’ para kay Senador Ping Lacosn, at ‘Like’ react naman para kay Manila Mayor Isko Moreno.

Anang mga netizen, halatang mas marami namang nag-Wow reactions kumpara sa Heart ngunit lumalabas na Heart reacts ang pinaka nangibabaw sa survey.

Maging si Eric Cham na public information officer ni Congressman Lito Atienza ay hindi napigilang punahin ito.

“Ano ‘to? Rappler x Smartmatic ? Haha bakit no data yung iba? Inaayos pa results?” saad niya sa kanyang Facebook post.

https://www.facebook.com/photo/?fbid=10159407619231138&set=pcb.10159407623161138

Anang isang netizen, mga Arabo at trolls din ang nagbigay ng Heart reactions sa naturang post.

“Kaloka yung mga likers ni LUGAW..
MGA ARABO at mga trolls..
Bwuahahahahahha
Dahan dahan lang po at nagkakabukingan na po.”

https://www.facebook.com/photo?fbid=1355199828255517&set=pcb.1355200438255456

https://www.facebook.com/jeffmanhulad/posts/4625858080787140

https://www.facebook.com/DumagueteAwareness/videos/1067200800705294/

(VA)


Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?