26

Nov 22, 2021 @ 16:28
By

Rappler shutdown pinanindigan ng SEC

Nanindigan ang Securities and Exchange Commission (SEC) sa naunang desisyon na nag-uutos na isara ang news website na Rappler.

Batay ito sa ulat nitong isinumite sa Court of Appeals (CA) na binanggit ng abogadong si Atty. Francis Lim sa isang press conference kaninang hapon.

Matapos ang court-ordered review, nanindigan ang SEC sa unang ruling noong January 2018 para bawiin ang certificates of incorporation ng Rappler at nagdedeklara na hindi ito 100 porsiyentong pag-aari ng mga Pilipino.

Sabi ni Lim, lead lawyer ng Rappler, isang motion for reconsideration ang kanilang inihain na nakabinbin ngayon sa SEC.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?