181

Jun 13, 2020 @ 22:36

Rappler – Ressa hahatulan na ng cyber libel

Sa Lunes na ibababa ng Manila Trial Court ang hatol nito sa kinakaharap na cyber libel case ni Rappler CEO Maria Ressa at dating researcher-writer na si Rey Santos Jr.

Kaugnay ito sa kasong isinampa ng negosyanteng si Wilfredo Keng noong 2017.

Ito’y tungkol sa na-publish na artikulo noong May 2012 na nag-uugnay kay Keng sa iligal na droga, human trafficking at murder nang hindi aniya kinukuha ang kanyang panig o nagpapakita ng ebidensiya.

Para kay Ressa, politically-motivated ang cyber libel na isinampa sa kanya. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?