155

Sep 28, 2021 @ 12:49
By

Rappler nag-inarte, binara ni Aglipay: Karapatan kong magtanggal, magdagdag ng kahit sino sa Viber ko

Binanatan ni House Blue Ribbon panel chair Michael Aglipay ang Rappler dahil sa akusasyon nitong hinaharangan umano niya ang pag-cover ng midya sa pagdinig ng Senado hinggil sa kontrobersiyang kinasasangkutan ng Pharmally Pharmaceutical Corp.

Ito ay matapos niyang i-kick o alisin sa Viber group si Rambo Talabon, isang reporter mula Rappler, nitong Lunes.

Giit ni Aglipay, hindi niya hinahadlangan ang nasabing news website sa pag-cover ng naturang istorya dahil maaari naman aniya itong sumubaybay sa hearing sa pamamagitan ng Facebook o Zoom meeting ng House of Representatives.

“Rappler reporter is out on personal vendetta against me because I declined his request for interview last Thursday,” wika niya.

“He is saying I am preventing him to cover the hearings which is a total lie. He can cover the hearings and I never said he cannot cover. He is still an accredited House media,” banat pa niya.

Sambit ni Aglipay, ang naturang Viber group ay personal niyang pagmamay-ari at hindi ng pamahalaan kaya may karapatan siyang magdagdag o magtanggal ng miyembro doon.

“Ito po ay personal kong viber group hindi viber group ng government and I can include and exclude anybody as guaranteed also by the Constitution,” hirit niya. (VA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?