466
DOJ, kinondena ang pagpatay sa abogado sa Tagum City
Feb 5, 2019 @ 21:47
By

Rappler, Maria Ressa kinasuhan ng DOJ ng cyber libel

Nagdesisyon ang Department of Justice (DOJ) na sampahan ng kasong cyber libel ang news website na Rappler.

Kabilang din sa kinasuhan ang Chief Executive Officer nito na si Maria Ressa at dating reporter.

Ayon sa DOJ, malinaw umanong “defamatory” o paninirang-puri ang artikulong isinapubliko ng naturang online website noong 2012.

Ang reklamo ay isinampa ng negosyanteng si Wilfredo Keng sa National Bureau of Investigation kaugnay ng artikulo ng Rappler na may pamagat na “CJ using SUVs of controversial businessman”.

Ito ay noong gumugulong ang impeachment trial laban kay dating Chief Justice Renato Corona.

Itinanggi ni Keng na nagpahiram siya ng anumang sasakyan kay Corona, na nasibak bilang Punong Mahistrado noong 2012 dahil sa itinagong yaman.

Batay sa resolusyong may petsang Jan. 10 na inilabas nitong Pebrero 5, inirekomenda ng investigating prosecutors ang paghahain ng cyber libel case laban sa Rappler at kina Ressa at reporter Reynaldo Santos Jr.

Samantala, ibinasura naman ng DOJ ang reklamo laban sa mga dati at kasalukuyang Rappler board members na sina Manuel Ayala, Nico Jose Nolledo, Glenda Gloria, James Bitanga, Felicia Atienza at Dan de Padua, at dating corporate secretary Jose Maria Hofileña dahil sa kawalan ng ebidensiya na magpapatunay sa naging partisipasyon nila sa naturang kaso.

Maliban sa cyber libel, nahaharap din ang Rappler at si Ressa sa kasong tax evasion.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?