76

Jul 5, 2020 @ 21:32
By

Rappler fake news sinita ng PNP

Binuweltahan ng Philippine National Police (PNP) ang pagpapakalat ng maling impormasyon ng Rappler ukol sa isang journalist na mula sa Cebu City, na dinetine umano kasabay ng pinaiiral na enhanced community quarantine sa lugar.

“The PNP deplored the disinformation published by online news website Rappler that police front-liners detained a local journalist in Cebu City last Thursday,” ayon sa pahayag ng kapulisan.

Sa report ng Rappler noong July 3 na may paunang headline na “Cebu City lockdown: ‘Imported’ cops detain local journalist”, sinabi na hinuli umano ang journalist ng Banat News na si Sheriza Mae Uy ng miyembro ng Special Action Force at dinetine umano ito ng abot sa 15 minuto.

Ngunit sa Facebook post ni Uy, mariin nitong tinanggi na bagama’t hinarang siya ng SAF ay hindi naman siya na-detain.

“I am posting this to correct this erroneous report by Rappler. It was true that I was stopped by a SAF trooper, but I was not detained,” ayon kay Uy, kung saan nilarawan niyang isang ‘minor incident’ lang ang pangyayari at hindi na dapat palakihin.

“I hope this story will be rectified to avoid things from blowing out of proportion,” ayon sa journalist. “I hope this clarification will put the issue to rest. I am aware the challenges that our policemen are facing in this time of crisis.”

Humingi din ng paumanhin si Uy sa PNP dahil sa nasabing report, na sinabing nagdulot ng stress sa mga law enforcer.

Samantala, binago na ng Rappler ang kanilang report pati ang kanilang headline.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?