maria-ressa
By

Rappler CEO, sinagot ang reklamong tax evasion sa DOJ

Sharing is caring!

Naghain na ng kanyang kontra-salaysay sa Department of Justice (DOJ) ang Chief Executive Officer (CEO) ng online news site na Rappler na si Maria Ressa.

Pinanumpaan ni Ressa sa harap ni Assistant State Prosecutor Zenamar Caparros ang kanyang counter-affidavit sa P133-million na tax evasion complaint ng Bureau of Internal Revenue (BIR).

Nanindigan si Ressa at ang Rappler na walang nangyaring tax evasion.

Kasabay nito, nanawagan si Ressa sa pamunuan ng BIR na gawin ng maayos ang kanilang trabaho at mag-imbestiga muna bago magsampa ng anumang reklamo.

Ayon kay Ressa, malinaw na isang political harassment ito sa kanila bilang mga mamamahayag na gumaganap lamang sa kanilang tungkulin.

Batay sa reklamo ng BIR, nag-isyu ang Rappler Holdings Corporation ng P181.67-million na halaga ng Philippine Depository Receipts o PDR Sa dalawang dayuhang kumpanya noong 2015 at nabigong magbayad ng income at value added tax sa gobyerno.

Sinabi ng BIR na dahil sa kabiguan ng Rappler na asikasuhin ang kanilang obligasyon sa pamahalaan, lumobo sa P133.84-million ang tax liability ng nasabing kumpanya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?