41

Nov 10, 2019 @ 14:49

Rapper na Fil-Am binida si Lapu Lapu

Kinilala ni Filipino American rapper Dustin Perfetto ang isang Pilipinong bayani sa pinakabago nitong album, “Lapu Lapu,” na nilabas kamakailan.

“Y’all don’t know growing up Lapu-Lapu was the first-ever Filipino hero and I’m just trying to teach that to this new generation that ain’t really up on that because we was raised like that,” saad sa Balitang America ni Perfetto, alyas “Nump.”

Nakikita rin umano ng rapper ang kanyang sarili sa bayani na nanguna sa laban sa Mactan, Cebu noong 1521 laban sa tropa ng Portuguese na si Ferdinand Magellan.

“Lapu-Lapu stood up for what he believed in, didn’t let no one get in the way of that and he believed in it. And I feel like I represent that. And also, I feel he represents hyphy. He got that energy. When people see me, no joke pare, they gonna say ‘Nump is Lapu-Lapu’,” hayag pa ng Fil-Am.

Sa ngayon, tinutulungan ni Nump ang iba pang bagong Filipino artist sa San Francisco Bay Area, California.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?