80

Sep 16, 2021 @ 18:24
By

Rapper kinuyog sa ‘namaga bayag sa bakuna’

Kinuyog si rapper Nicki Minaj matapos mag-tweet tungkol sa naranasan ng kaibigan ng kanyang pinsan nang magpabakuna.

Sa tweet, sinabi ni Minaj na hindi nagpapabakuna ang pinsan niya laban sa COVID-19 dahil naging baog daw ang kaibigan nito matapos magpaturok at namaga ang bayag.

Dahil dito, umatras daw sa kasal ang nobya ng kaibigan ng pinsan niya.

“My cousin in Trinidad won’t get the vaccine cuz his friend got it & became impotent. His testicles became swollen. His friend was weeks away from getting married, now the girl called off the wedding. So just pray on it & make sure you’re comfortable with ur decision, not bullied,” tweet ni Minaj.

Dagdag ng 10-time Grammy-nominated rap artist, magpapabakuna lamang siya kung kailangan sa trabaho.

Marami ang nag-akusa kay Minaj ng pagpapakalat ng fake news kabilang na si MSNBC host Joy Reid.

“You have 22 million followers on Twitter. For you to use your platform to encourage our community to not protect themselves and save their lives, by God sister, you can do better than that,” sambit ni Reid.

Sa CNBC report, nag-react naman si Dr. Arturo Casadevall, chair ng molecular microbiology and immunology sa Johns Hopkins Bloomberg School of Public Health, na anuman ang naranasan ng kaibigan ng pinsan ni Minaj ay hindi side effects ng pagpapabakuna.

“We are all human, and we tend to associate things,” ani Dr. Casadevall.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?