12

Jan 26, 2021 @ 13:38
By

Rapper Iron yumao na

Namatay na ang South Korean rapper na si Chung Heon-chul, mas kilala sa pangalang “Iron.”

Napaulat na noong alas-diyes ng umaga, Enero 25, natagpuang duguan at walang malay si Iron sa isang flower bed ng isang apartment complex sa Jung District, Seoul.

Agad na sinugod si Chung sa ospital pero pumanaw ito.

Inaalam pa ang dahilan ng pagpanaw ni Iron dahil ayon sa pulis Seoul Jungbu, hindi pa malinaw kung nag-suicide ba ang rapper o hindi.

Nakilala si Iron sa paglahok niya sa ikatlong season ng South Korean rap competition TV show ng Mnet na “Show Me the Money” noong 2014. Naging runner-up siya sa nasabing timpalak.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?