37
ABANTE rapist grade 1 jail crime
By

Rapist ng Grade 1 na kapitbahay, kalaboso

Sharing is caring!

Kalaboso ang isang tinaguriang No. 7 most wanted person na umano’y responsable sa panggagahasa sa kaniyang grade 1 pupil na kapitbahay sa San Andres, Catanduanes.

Sa ulat ng pulisya, ang suspek na si Michael Villanueva Manlangit, na itinuturing ika-pito sa most wanted person sa munisipalidad ng San Andres.

Base sa imbestigasyon, 2013 pa nang isagawa ng suspek ang panggagahasa sa noon ay pitong taong gulang pa lamang na babae, at naulit pa noong Hunyo 2017, at napag-alamang nabuntis niya ito na 12-anyos na ngayon.

Gayunman, mariin ang pagtanggi ni Manlangit na ginahasa niya ang biktima at iginiit na mayroon silang relasyon.

Ikinatuwiran pa ng suspek na ipinaaresto siya dahil nagagalit umano ang nanay ng bata dahil may gusto sa kaniya ito. (Betchai Julian)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?