108

Dec 20, 2018 @ 19:23
By

Rapist na jeepney driver, nahuli sa Caloocan

Isang tsuper ng jeep na wanted sa kasong panggagahasa ang naaresto ng mga elemento ng Caloocan City Police Station sa EDSA nitong Huwebes ng umaga.

Ayon sa report ng Northern Police District (NPD), isinilbi ng Warrant and Subpoena Section ang warrant of arrest laban kay Villamor Caasi Catalma, 44, na taga-PNR Compound sa Barangay 73, Caloocan City, na nahaharap sa kasong rape.

Kasalukuyan nang nasa kustodiya ng Caloocan Police si Catalma.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?