52
ABANTE rapist most wanted jailed meycauayan bulacan
By

Rapist na ama nadakma sa pinagtaguang lungga

Sharing is caring!

Kulungan ang bagsak ng isang ama matapos na halayin ang sariling anak, tatlong taon na ang nakararaan sa loob ng kanilang bahay habang nasa ibang bansa ang asawa nito, ang naaresto kamakalawa ng gabi sa pinagtataguang bahay sa Binondo, Manila.

Batay sa nakalap na report mula sa tanggapan ni Eastern Police District Director General Bernabe Balba, tuluyang nang makukulong ang suspek na si Leonardo Catalan y Aron, 54-anyos, residente ng 63 Sto. Niño St., Tawiran Ext., Barangay Santolan, Pasig City.

Ayon kay Balba, nagsagawa ng warrant of arrest operation ang mga tauhan ng EPD-Mobile Force Battalion Intelligence na pinangunahan ni PSSupt. Cresenciano Landicho, force commander, para arestuhin ang suspek sa panggagahasa sa anak.

Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Judge Florian Gregory D. Abalajon ng RTC Branch 261, Pasig City, ibinigay ang warrant kay Catalan sa two counts ng kasong Qualified Rape bandang alas-8:30 kamakalawa ng gabi sa harap ng PhilTrust Bank sa San Fernando St., Binondo, Manila.

Matatandaang hinalay ng suspek ang anak na itinatago sa pangalang “Girlie”, 13-anyos, may tatlong taon na ang nakaraan. Nabatid na nasa ibang bansa ang asawa ng suspek na posibleng sa pangungulila ay ibinaling sa anak ang pagdurusa.

Matapos ang panghahalay sa sariling anak ay nagtago na si Catalan habang umuwi naman mula sa Lebanon ang asawa makaraang malaman ang sinapit ng anak at sabay na nagsampa ng kaso laban sa asawa.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Pasig detention cell habang hinihintay ang kanyang pagdinig sa City Prosecutors’ Office.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?