7

By

Rape victim VanZant bumangon, lumaban

Sharing is caring!

UMANI ng iba’t ibang reaksiyon ang pag-amin ni UFC strawweight fighter Paige VanZant na biktima siya ng rape 10 taon na ang nakakaraan.

Sa bago niyang librong “Rise: Surviving The Fight Of My Life” ay sinabi ni VanZant na edad 14 siya at nasa high school nang pagtulungan siyang gahasain sa isang party.

Biktima raw siya ng pambu-bully.

Ipinanganak siyang si Paige Sletten, nagpalit siya ng apelyido at ginawang VanZant dahil sa rape. Ang mga lalaki sa kanilang eskuwelahan, tinatawag daw siyang ‘Paige Slutton’ kaya hindi nawala ang bangungot ng ginawa sa kanya.

Mula nang ilahad ang kanyang nakaraan, maraming sumuporta kay VanZant.

Pero marami ring kumontra, tinawag siyang oportunista.

Sa comments sa ilalim ng bawat labas ng storya niya, napakaraming negatibo na hindi na angkop i-print. Pero dahil wala naman halos mukha ang mga nagkokomento, pinuputakte si VanZant.

Noong una ay hindi raw niya masabi sa mga magulang ang nangyari, may pagkakataon na binalak na ni VanZant na mag-suicide.

“When you’re in that position, when you’re feeling that much pain, you feel like – it’s not that you want to die, you just don’t want to be in pain anymore,” aniya.

Nag-iba ang pananaw niya dahil sa mixed martial arts.

“MMA fighting saved my life,” ani VanZant, 7-4 bilang UFC fighter.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?