45

Jun 13, 2020 @ 21:48

Rape victim sinisi; Lucban police binoldyak

Dahil sa diumano’y paninisi sa mga babaeng biktima ng karahasan noong Araw ng Kalayaan, ginigisa ngayon ang Lucban Municipal Police Station.

Sa opisyal nitong Facebook page, nagsalita ang nasabing pulisya laban sa karahasan sa kababaihan.

“Mahalin natin ang mga kababaihan at huwag niyo abusuhin ang kanilang kabaitan,” wika nila, pero sinundan ito ng “Kayo naman mga gherlsz, huwag kayo magsusuot ng pagkaikli-ikling damit at pag naman nabastos ay magsumbong din sa amin. Isipin niyo rin!”

‘Di na mahagilap ang nasabing post maging ang FB page, pero nakakuha ng screenshot ang ilang indibidwal.

Na-badtrip ang ilang netizen at sinabing ang rapist, hindi ang biktima, ang dapat managot sa rape.

‘Di rin anila dapat diktahan ang kababaihan sa bawal at pwede nilang isuot.

“Lucbanin ako pero t… ina hindi kayo nakakatuwa, nakakahiya, mga basura ampota!!!” ayon sa isang netizen.

“Ganyan na ba talaga kalala kapulisan ngayon? T…ina nyo. Mga demonyo,” wika pa ng isa.

“GAGO! Lucban Municipal Police Station, BAKIT KAYO NAG VICTIM BLAME??? KAHIT ANONG SUOT NG BABAE KAHIT NAKAHUBAD PA YAN SA KALYE WALANG KARAPATAN KAHIT SINO ANG ABUSUHIN SILA,” bulalas ng isang netizen.

Sa ngayon, sinabi ni Philippine National Police spokesman Brig. Gen. Bernard Banac na iimbestigahan nila ang mga sangkot sa naturang FB post. (SDC)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?