237
Lineman tinarakan sa noo ng kasamahan
Aug 22, 2019 @ 15:42
By

Rape suspect patay matapos tumalon sa 3rd floor ng Manila City Hall

Idineklarang dead on arrival ang isang 66-anyos na lalaki matapos nitong tumalon sa ikatlong palapag ng Manila City Hall.

Kinilala ang biktima na si Ricardo Reyes, residente ng Burgos Street, Paco, Manila.

Inaresto siya ng Pandacan Police noong Agosto 20 dahil sa umano’y pangmomolestiya sa 7-anyos na batang babae.

Lumabas sa imbestigasyon na nakatakda sanang dumalo sa inquest proceeding sa City Prosecutors Office si Reyes dakong alas-2:12 ng hapon noong Miyerkoles (Agosto 21).

Ayon sa Manila Police District Pandacan Police Station, dumaing umano si Reyes ng paninikip ng dibdib at kahirapang huminga.

Humingi ito ng tubig at hiniling na pansamantalang alisin ang kanyang posas.

Sa tagpong ito umano tumakbo si Reyes at tumalon mula ikatlong palapag ng city hall building alas-2:45 ng hapon.

Nadala pa siya sa Jose Abad Santos Hospital pero idineklarang dead on arrival.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?