123

Dec 28, 2017 @ 9:19
By

Rape suspect nagbaril sa sarili sa presinto

Isang lalaki na suspek sa panggagahasa sa sariling girlfriend ang nagbaril sa sarili matapos umano itong maiwang mag-isa sa himpilan ng pulisya sa Zamboanga del Norte na kung saan siya iniimbestigahan.

Kinilala ang biktima na si Jayson Sardao na ngayon ay nasa seryosong kalagayan sa pagamutan sa bayan ng Sindangan dahil sa tinamong tama ng bala mula sa 9mm na baril ng imbestigador na si PO1 Mitshiela Buot na kinuha nito sa drawer.

Nabatid na naiwan umanong mag-isa sa investigation room si Sardao dahil lumabas sandal si PO1 Mitshiela Buot upang sagutin ang tawag sa telepono. Nagulantang na lamang ang mga parak ng makarinig ng malakas na putok ng baril mula sa silid at doon nakita si Sardao na duguan.

Nakita rin sa recording ng CCTV kung paanong kinuha ni Sardao ang baril ni Buot sa drawer ng lamesa nito at saka nagbaril sa sarili. Agad rin isinugod ng mga parak ang suspek sa pagamutan. Hindi naman agad mabatid kung bakit iniwan ni Buot ang kanyang armas sa drawer. (Al Jacinto)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?