6
Parañaque
By

Rape suspect, 3 pang wanted nalambat sa Parañaque

Sharing is caring!

Apat katao na nahaharap sa iba’t ibang kaso ang kabilang sa 70 na naaresto sa pagpapatupad ng Parañaque City Police ng simultaneous anti-criminality and law enforcement operations sa iba’t ibang bahagi ng lungsod, Biyernes ng gabi.

Ang apat na nahuling wanted ay sina Felomino Acosta, 64-anyos, suspek sa kasong rape; Rizal Gautani, 59, nahaharap sa isang kasong walang piyansa; Charles James Ortiz, 24, may kasong estafa; at Yu Zhao, 29, may kasong alarm and scandal.

Nabatid na noong nakaraang taon pa pinaghahanap ang apat.

Noong nakaraang buwan lang din mahigit 100 katao kabilang ang ilang menor de edad ang nahuli sa katulad na operasyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?