33

Sep 24, 2020 @ 15:33
By

Rape joke ‘di magaan na bagay! Converge staff tinuluyan ni Liza Soberano

Nagsampa na ng kasong kriminal si Liza Soberano laban sa isang babaeng empleyado ng isang internet service provider dahil sa viral “rape comment” nito laban sa aktres.

Kasama niya sa paghahain ng kaso ngayong Huwebes, Setyembre 24, ang kanyang legal counsel na si Atty. Jun Lim pati ang manager niyang si Ogie Diaz.

“Wala tayong magagawa, wala ng trabaho, kaya di bale ng masira ang image, magkapera lang. Sarap ipa-rape sa mga… ewan!” ang sabi noon ng empleyado sa viral comment na kumalat online at na-screenshot ng mga netizen.

Sa pagsampa ng kaso, giniit ng aktres na hindi dapat binabalewala ang mga rape joke.

“I was really upset because the fact that it is a rape joke, it is not something that should be taken lightly. And the fact that she is a woman, I would never in a million years do a joke like that,” sambit ni Liza sa ulat ng ABS-CBN News.

“I know that everybody is entitled to their own opinion, that is true, but at some point you have to be respectful to others online. I want people to learn that there are consequences to everything like rape jokes ’cause that is not a light matter,” dagdag niya.

Ayon pa kay Lim, ang ginawang paghahain ng criminal complaint ni Soberano ay “pagtindig hindi lang para sa kanyang sarili kundi para sa lahat ng mga silent victim ng mga ‘rape joke’ at iba pang malisyosong pahayag ng ilang iresponsableng miyembro ng social media community.”

“Ms. Soberano reminds us once again that women must be treated with respect and dignity regardless of their status in life,” saad pa ng abogado ng aktres.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?